TopPhilippineWebsites.com
Carpe Diem PDF Print E-mail
Written by August Domingo   
Tuesday, 27 January 2009
 
The day had just started..my work overload..and before anything else i always used to check  my emails as part of my daily routines. One of my messages was from our LGU website community forums which was posted earlier by a visitor. The title of our thread in our forums is Love, Courtship and Marriage. I was amazed that it could have been one of the most interesting topic in our forums I have ever encountered...somebody posted his now her love story...a username called bomelosantos...it goes like this..

"Hi sa lahat, Ako po ay isang professsional at sosyalerang gay. Im new here at meron sana akong itatanong sa lahat ng member ng Forum na ito. Nagpapasalamat ako sa nag open ng forum na ito dahil nag kalakas ako ng loob na i share ang aking mga suliranin sa ngayon.

Meron akong boyfriend na taga Paniqui at masaya kmi at 8 months na kaming magka relasyon. Hindi ko ma i de-deny na meron ding nangyayari sa amin. Last week umamin sya sa akin na papakasal na daw sya dahil nakabuntis at napikot siya at kailangan nyang panagutan ang babaeng nabuntis. Sinabi nyang gusto nya akong pumunta sa kasal niya. Masakit sa aking loob at naguguluhan ako kung karapat dapat nga akong pumunta o hindi?

    Mahal ko sya at pero masakit, paalis na siya at balak manirahan sa Cabanatuan Nueva Ecija. Daapat ba or hindi dapat akong pumunta sa kanyang kasal? Sana matulungan nyo ako kahit na ako ay bading at nasasaktan din ako!!!

    Salamat,"


.......keep on reading


<em>"Maraming salamat po sa pag reply sa mga questions ko...para po mas lalo nyo akong maintindihan ako po ay nagtrabaho sa Japan nakaipon din po ng konti at pinalad na ma sponsoran ng isang Japon para sa aking sex change transplant. Ngayon po ako ay isang ganap na babae, ginawa ko din po ito sa kagustuhan ko na maibigay sa aking boyfriend ang feeling ng pagiging isang tunay na babae.

Since ako nga po ay naka-ipon at madalas sa Japan, madalas din po akong magpadala ng pera sa aking boyfriend at konting tulong din po sa kanilang pamilya. Nag karoon po sila ng 1 tricylcle na pamsada at 1 WAVE na motor na pang porma. Hindi ko na po kailangan isulat dto ang lahat ng mga ginastos at naibigay ko sa kanya at sa pamilya niya, ang sa akin po ay mahal na mahal ko siya at handa akong gawin ang lahat para lang sa kanya. Pinapayuhan din po ako ng aking mga kaibigan na maganda ako at madaming lalaking nag kakagusto sa akin, pero sya talaga ang mahal ko. Alam kong madaming taga Paniqui ang nakakakilala sa kanya sa pag basa pa lang nga kwento ko."</em>


and my reply::

Isang napakagandang kabanata ang nangyari sa iyong buhay na kung iisipin ay parang isang telenobelang napapanood lamang sa telebisyon..salungat lamang ito sa isang HAPPY ENDING katulad ng cinderella at sleepless in seattle.

Ikaw ay umibig at nagbigay...ito lamang ay isang parte ng buhay para sa mga tunay na nagmamahal..ibinuhos mo ang iyong sarili at ginugul ang iyong oras upang maipakita sa mundo ang nararamdaman mo para sa taong mahal mo..ngunit ikaw ay lubhang nasaktan sa kabila ng lahat..kawawa ka naman..

Iniwinan ka pala ng iyong boypren..baka ayaw nya ang bago mong buhok...mahal ka ba nya talaga..as the song goes...

Ang kailangan mo ngayun ay ang pagpaparaya bilang tunay na nagmamahal..masakit man ngunit ito ay isang katotohan na dapat mong harapin...ang pagsuko at tumigil sa gitna ng isang laban ay hindi nangangahulugang isa kang talunan..ito'y isang pagpapahalaga sa iyong sarili upang ikaw ay makaipon ng lakas para sa isang bukas na dapat mo pang tahakin. Isang panimula sa bagong kabanata ng iyong buhay. At ang pagtalikod ay hindi nangangahulugan paglimot..ituring mo itong magandang alaala.

Lahat ng mga ibinigay mo ay mga material na bagay lamang..at ito'y naisasangla..makihati ka na lang....seriously speaking...ito ay kaya mong palitan sa pamamagitan ng iyong pagtatrabaho...

At sa araw ng kasal ng iyong boypren..ika'y magpunta pa rin...ipakita na tunay lahat ang nakaraan sa inyong dalawa at upang pareho kayong makawala sa hinagpis ng iyong nararamdaman at sya naman ay magpatuloy sa bagong pag ibig na hinihirang.

At bilang panimula sa susunod mong pakikibaka sa buhay....iiwan ko ang isang katagang napakaganda pa rin palang mabuhay..

"LEARNING TO LOVE YOURSELF...it is the GREATEST LOVE OF ALL"


Add as favourites (0) | Quote this article on your site | Views: 1134

Be first to comment this article
RSS comments

Only registered users can write comments.
Please login or register.

Powered by AkoComment Tweaked Special Edition v.1.4.6
AkoComment © Copyright 2004 by Arthur Konze - www.mamboportal.com
All right reserved

 
< Prev   Next >





Lost Password?
No account yet? Register

Archive

Generated in 0.35918 Seconds